extra help-biey | site design-kel juan | all rights reserved.

ANG SITE NA ITO

SINO SI KEL JUAN?

Si Kel Juan ay Filipino, babae, 20+ taong gulang, lumaki sa junk shop ng tatay niya, anak ng dating jeepney driver at frustrated teacher; at kasalukuyang naninirahan sa Luzon.

Siya ay estudyante uli ngayong taon sa Unibersidad ng Pilipinas -Los Banos, at magtatapos sa kursong BA Communication Arts sa taong 2008.

Siya ay miyembro ng iba't ibang organisasyon sa loob at labas ng UPLB, Samahang LAYB at  ang binubuo pa lamang na Lipunan para sa Lipunan. Bago ito, naging aktibo siya sa iba't ibang organisasyon sa loob at labas ng UPLB, kabilang ang Anakbayan at Samahan ng Kabataan para sa Bayan, STEx, at naging fellow rin sa LIRA Workshop 2007.

Siya ay nag-aambisyong maging guro sa mga batang pinagkaitan ng karapatang makapag-aral---gaya ng mga kabataan sa mga liblib na pook ng Palawan at Camiguin; at lalo pang mapagyaman ang seryosong hilig at talento sa pagsusulat sa wikang Filipino.

Sa ngayon ay abala si Kel sa paggawa (sana matapos na) ng thesis. Nagsusulat din siya ngayon ng script para sa  komiks.



--------------------------------------------------------

TUNGKOL SAAN ANG SITE NA ITO?


INFLUENZA: sakit-sakitan ng lipunan Pinoy ngayon.

Ang site na ito ay umiinog at tumutumbok sa mga pangyayari sa kasaysayan at kasalukuyang kaganapan ng ating lipunan. Ito rin ay nagbabahagi ng ilang mga tula at likha ni Kel Juan.

Naglalayon ito na maiparinig sa nakararami ang kalagayan ng mga kabataan, ang mga posibleng solusyon, mga hangarin, pangarap, pagkabigo, kalokohan, interes, opinyon, at pananaw ng isang kabataang anak ng lipunang mala-pyudal at mala-kolonyal.

Personal ba ang blog na ito? Hmm, "Personal is political," sabi sa kamiseta ng isa sa mga guro ni Kel sa UPLB. Gets? :D

--------------------------------------------------------

KONTAKIN SI KEL:

nunalsamukha@yahoo.com

http://keljuan.vze.com

http://keljuan.multiply.com 

Page created: May 2nd 2007 02:44 AM
Page updated: October 26th 2007 05:31 PM