SI MARIANG BANGA
Posted by influenza at 05:11 PM on January 20, 2008 .
Si Mariang Banga ay rebulto ng isang dalagang may bitbit na banga sa kanang kamay. Isa siya sa mga icon na kilala sa isang unibersidad sa Laguna. Pero di tulad ni Maria Makiling, walang nakabuntot na kuwento tungkol kay Mariang Banga maliban sa haka-hakang tuwing sasapit ang hatinggabi ay bumababa siya mula sa tinutungtungang gazebo, pansamantalang iiwan ang kanyang banga, at magpapatuloy sa paghahanap sa binatang umiwan sa kanya.
Walang nakakaalam kung sa anong panahon nabuhay si Mariang Banga, at kung ilang dekada na siyang tumatangis sa pagkawala ng binatang nangakong itatanan siya. Sa panahon ng computers at cellphone, wala na bang pag-asang mahanap niya ang kasintahan? At kung magkita man silang muli, may pag-asa pa bang magpatuloy ang kanilang relasyon? O masasaktan na namang muli ang dalagang may dalang banga?

