extra help-biey | site design-kel juan | all rights reserved.

Entries for October, 2007

October 26th, 2007

BEAUTY PAGEANT

Posted by influenza at 05:34 PM on October 26, 2007 .

 

Nakahilera,
Parang mga bote ng mamahaling alak
Ang mga babaeng
May mahahabang leeg at hita---
Pinagpipilian
Ng mga pinagpipitaganang
Tagapayo ng pangulo,
Mga pinuno ng pamahalaan,
At mga negosyanteng mahilig
Tumikim
Ng alak.

Ngayong gabi,
Sino ang makokoronahan?

 

 

[2 comment/s]

----------------------------------------------------------------------
« 2007/09 | 2008/01 »