extra help-biey | site design-kel juan | all rights reserved.

Entries for May, 2007

May 28th, 2007

DEKLARASYON

Posted by influenza at 04:44 PM on May 28, 2007 .

 

Hindi ko sinabing sungkitin mo ang buwan at mga bituin para sa akin. Wala akong pakialam kung ilang awit ang aawitin mo, o kung ilang isaw ang kakainin mo. Hindi ko rin gustong mag-ipon ka ng tansan para sa'kin. Kahit ilang ilog o dagat pa ang iyong tawirin, at kahit higit pa riyan ang gusto mong gawin, hindi iyon mahalaga.

Huwag ka ring mangakong parang politiko. Hindi ko kailangang marinig ang mga plataporma mo. "Paano ko malalaman kung seryoso ka sa akin, sa nararamdaman mo para sa'kin?," tanong ko sa'yo. Huwag kang umimik, wala akong gustong marinig pero marami akong gustong makita't maramdaman. Alam mo ang mga iyan kahit di ko sabihin sa'yo.

Ang kailangan ko lang ay maging tapat ka sa akin, sa relasyon natin. Gaya ng sinabi ko sa'yo dati, ingatan mong parang hamog sa palad ang tiwalang ibinigay ko sa'yo.

Sabi sa nabasa ko, "Mahal kita dahil mahal ko ang sarili ko." Hindi ba't parang hinulma sa damdamin ko ang mga salitang ito?

Speed = Distance over Time.

Sa ngayon, ito ang naghihiwalay sa atin, bagama't ito rin ang nag-uugnay sa atin.

 

[24 comment/s]

----------------------------------------------------------------------
« 2007/04 | 2007/06 »