extra help-biey | site design-kel juan | all rights reserved.

Entries for February, 2007

February 13th, 2007

HIYA

Posted by influenza at 02:25 AM on February 13, 2007 .

Alanganing
itakip
buhangin sa dibdib;
Bakit 'di ulo
ang ibaon
sa lupa't
huwag nang umahon!

[add a comment]

----------------------------------------------------------------------

DALAWANG PANGAKO

Posted by influenza at 03:13 PM on February 13, 2007 .

Luhang
gumulong
sa pisngi

Ingatang
parang hamog
sa palad

Nang
di na
lumuha pang muli.


Gumulong
na parang luha
sa pisngi

Ang pangakong
iingatang parang
hamog sa palad.

[add a comment]

----------------------------------------------------------------------

SABON

Posted by influenza at 03:19 PM on February 13, 2007 .

Animnapu't limang gramo
ng pangakong
puputi ako
kasabay na nalusaw
ng perang
ipinambili ko.

Handa awit.

Ako ay may sabon
pampaputi ng singit
di ko na nakita
lusaw na pala!
Sayang ang pera kong
pambili ng sabon
Sa pagkain sana
nabusog pa ako.

[13 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

February 14th, 2007

PAGSASAING

Posted by influenza at 01:14 AM on February 14, 2007 .



Kanang kamay
ibabaon
sa sisidlang
puno ng bigas

Tatlong beses
sa araw-araw
bago hugasan ang sinaing
ibinabaon
kanang kamay
sa bigas
at dahan-dahang ipoporma
kasalikop ang bigas
na para bang kahawak-kamay
ang nawawalang asawa
At maalala
eksena sa kalsada
nuong dalaga pa
habang ika'y inihahatid
sa minana pang dampa

Nagkakasya na lamang
sa pag-asang balang araw
makikita rin
ang dinukot na asawa.

[6 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

February 16th, 2007

MILENYO

Posted by influenza at 05:49 PM on February 16, 2007 .



Mga billboard
yumuko
sa paanan
ni Milenyo.
Samantala
mga tao
isinubo
sa bunganga
nito;
Nginuya,
dinura.
Di nagustuhan,
bansa'y nilayasan.

[add a comment]

----------------------------------------------------------------------

ALAALA SA PALAYOK

Posted by influenza at 05:52 PM on February 16, 2007 .




Alaala
nilagak
sa palayok

Palayok
isinabit
Alaala
nakabitin

Piringan na ang taya!
Pamalo'y ihanda.
Umikot-ikot,
kumembot-kembot
pagbilang ng tatlo
ihampas ang pamalo
nang alaala'y
tuluyan nang mabasag.

[1 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

February 20th, 2007

BUHOK

Posted by influenza at 12:47 AM on February 20, 2007 .

 

Mga babae. Madalas nilang mapagdiskitahan ang buhok sa tuwing nakakaramdam ng lungkot, pagkabigo, o kaya kapag nasasaktan. Pinapuputulan, pinababawasan ang buhok. At habang nalalaglag ang mga piraso ng buhok sa sahig ay unti-unti namang bumabalik ang ngiti sa mga labi. Matatag ang pagkakatitig sa salamin, halatang nagagandahan sa sarili. Tapos, wawalisin nung parlorista yung buhok sa sahig, na para bang pati mga alalahani'y nawawalis na rin. At paglabas sa pagupitan, masaya na uli.

Ganoon kami.

Ganoon din ba ang mga lalake?

 

[17 comment/s]

----------------------------------------------------------------------
« 2007/01 | 2007/03 »