NASABI NA YATA 'TO NG IBA
Posted by influenza at 10:32 PM on January 21, 2007 .
Nasabi na'to ni Zafra pero babanggitin ko na rin dahil yun rin ang palagay ko.
Hindi lahat ng nakasulat sa blog na ito ay totoop pero hindi ibig sabihin nun ay sinungaling ang manunulat.
Hindi lang naman sa personal na buhay sumasalamin ang isang likha, hindi naman ako gaya ng ibang writer na sabi nga ni jun cruz reyes ay "tila nilalagnat ang guni-guni." May problema kaya nakakasulat, halimbawa ay ang problema sa lipunan na tumatagos sa personal na karanasan ng bawat indibidwal.
Maraming problema, kaya maraming pwede at dapat isulat.

