extra help-biey | site design-kel juan | all rights reserved.

Entries for November, 2006

November 5th, 2006

PATAYIN SA SINDAK

Posted by influenza at 03:46 PM on November 5, 2006 .

Napanood ko sa tv na may kakayahan pala ang mga multo at kaluluwa na umalpas sa natural na dimensyon ng ating mundo. Maaari din silang magtaglay ng malakas na kapangyarihan - halimbawa ay ang pagpapakita/pagkakaroon ng presensya sa dalawang magkaibang lugar sa parehong oras at panahon. May karapatan din silang mamili kung gusto na nilang "tumawid" o manatili sa mundo ng mga buhay. Ang galing!

Tapos pinanood ko uli yung "Patayin sa Sindak si Barbara," hindi dahil paborito ko si Antonette Taus, kundi dahil feel ko lang. Hihi.

Kapag namatay ako, magmumulto ako. Medyo atat na nga ako. Ang mga sumusunod ang nangunguna sa listahan ng mga mumultuhin ko at papatayin sa takot:

1. Gloria Macapagal Arroyo (bilang ganti at kabayaran sa mga pagpatay ay paglabag sa karapatang pantaong dinulot niya bilang pekeng pangulo at dahil magkakaroon ng 100% na dagdag sa matrikula sa UP);

2. Nanay at Tatay ko (wala lang, trip lang, kung sakaling mauna ako sa kanila);

3. mga teachers ko nung high school sa Batangas (dahil mga ipokreta silang akala mo kung sinong magaling na mga "Katoliko" pero mukhang pera naman at napaka bobo);

4. Wilrich Nieto (dahil wala siyang respeto sa mga kababaihan);

5. Reina (nakalimutan ko apelyido niya pero inis ako sa kanya dahil wala rin siyang respeto at malasakit sa kapwa niya babae);

6. Mac Cagandahan (dahil nakipagsabwatan siya kina Reina at Wilrich);

7. Meech (nakalimutan ko rin ang apelyido pero nakipagsabwatan din siya sa mga nauna);

8. mga lider ng BUKLOD Party (dahil nagpapanggap silang may malasakit sa karapatan at kapakanan ng mga estudyante lalo na ng mga iskolar ng bayan, at dahil nananalo sila sa eleksyon kahit boplaks sila sa mga isyung panlipunan at pampaaralan);

9. ilang miyembro ng LONSI, halimbawa ay yung mga naging chancellor ng uplb (dahil mga chauvinistang baboy sila na nagpapanggap na responsableng mga fraternity brods pero mga duwag naman);

10. (pag-iisipan ko pa kung sinong ilalagay ko dito)

At diyan nagtatapos ang aking listahan. Nawa'y buhay pa sila at nasa mabuting kondisyon sa sandaling ako ay mamatay.

Paano ba ako mamamatay? Sa tingin ko kanser ang ikamamatay ko. Di ko lang alam kung anong klase ng kanser, sa suso siguro, kasi madalas ako maapektuhan ng kondisyong pamburgis: stress.

[7 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

November 20th, 2006

APAT NA MENSAHE

Posted by influenza at 05:26 PM on November 20, 2006 .

TELEGRAMA

UWI KA. PATAY NANAY.

TEXT

Ate uwi k agd, wla n c nnay, ptay n.

LIHAM

Dear Ate,

Kumusta ka na? Bakit ang hanggang ngayon di ka pa rin umuuwi sa atin? Matagal ka nang napatawad ni Nanay. Ate, wala na si Nanay. Umuwi ka na...

LIHIM

Plok plok plok mula sa kaliwang mata ang kusang nagpalaya sa kanilang mga sarili.

[6 comment/s]

----------------------------------------------------------------------
« 2006/10 | 2007/01 »