extra help-biey | site design-kel juan | all rights reserved.

Entries for October, 2006

October 3rd, 2006

SEMENTO

Posted by influenza at 06:23 PM on October 3, 2006 .

Gusto kong buhusan ng semento ang ulo ko at ilibing ito mula sa mundong nagsasamantala at mula na rin san pinakamalupit na kalaban ko: ang aking sarili. Wala akong silbi ngayon, gaya ng isang patay, pahirap lamang sa mga nabubuhay. Ni hindi ko na alam kung ano ang pakiramdam sa pisngi ng sariwang hangin. Ni hindi ko na rin nakikita ang pagsikat at paglubog ng araw. Wala nang saysay ang mga ito ngayon. Mahina ako dahil di ko kayang harapin ang pinakamalakas kong kalaban, walang iba kundi ang aking sarili. Ni wala akong perang pampalibing sa sarili ko sakaling tapusin ko na ang lahat.

[7 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

October 10th, 2006

TAKDANG GAWAIN

Posted by influenza at 06:27 PM on October 10, 2006 .


(Sa January ako maghahanap ng trabaho. Palilipasin ko muna ang Pasko ng mga Katoliko. Sabi nga sa kanta, "bagong taon". Yun lang ang gusto ko i-quote sa kanta. Ayoko munang isipin yung kasunod ng linyang "bagong taon." Mag-a-apply ako bilang writer.)
KEL JUAN
Totoong Pangalan: Raquel Juan y Gonzales
Kilala rin sa tawag na Andang at Yuan.
Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas - Los Banos
Kurso: Bachelor of Arts in Communication Arts (undergraduate)
Student Number: 2003-14017
Driver's License No: D14-05-001678
Kolehiyo: Sining at Agham
Mga Disiplina: Pagsulat (Writing), Speech Communication, at Theater Arts
IQ: Superior
Tirahan:
Mobile phone number: (wala pa. wala akong cellphone ngayon.)
E-mail Address: nunalsamukha@yahoo.com
Webpage: http://www.keljuan.tk

Petsa ng kapanganakan: Setyembre 17, 1986
Lugar ng kapanganakan: sa mahanging lungsod ng Tagaytay
Citizenship: Filipino
Mga lugar na kinalakihan/tinirhan: Tagaytay City, Cavite; Mendez, Cavite; Silang, Cavite; Los Banos, Laguna; Tanauan City, Batangas
Pamilya: Ama- Enrico Juan, Pampanga, tubong Timog Katagalugan Ina- Adoracion Gonzales-Juan, Tarlac Mga Kapatid- Roxanne, Regine, at Ruby Joy

Edukasyong primarya: Saint Francis of Assissi Academy, Tagaytay City (Grades 1-2); Tagaytay City Elementary School (Grades 3-6)

Kabilang sa top 10 ng klase. Star-Section mula Grade One hanggang Grade Six. Kabilang din sa iba't ibang klase ng grupo: Tagaytay City Elementary School Rondalla at Tagaytay City Elementary School Children's Choir. Aktibo rin sa mga quiz contests at seminar-workshops (news writing, feature writing, handicrafts-making, etc.).

Edukasyong Sekondarya: Infant Jesus Academy, Silang, Cavite (1st to 2nd year); Tanauan Institute, Tanuan City, Batangas (3rd to 4th year)

Kabilang sa top ten sa buong high school. Kabilang sa iba't ibang academic organizations (hal. Filipino Club, Art Club). Contributor sa schoolpaper. Chairperson at tagapagtatag ng Students Taking Action on the Need for Development-Tanauan Institute (STAND Party). Emcee sa kung anu-anong programa sa eskwelahan.

Edukasyong Tertiarya: Unibersidad ng Pilipinas - Los Banos, sa ilalim ng Kolehiyo ng Agham at Sining.

Iskolar ng Bayan. Kabilang sa pinakamatatalinong estudyante sa unbersidad, partikulas sa Kolehiyo ng Agham at Sining. Consistent College Scholar (CS) at Honor Roll (HR). Aktibo sa iba't ibang organisasyong kinabibilangan; isa rin sa tagapagtatag at opisyal ng ilan sa mga ito: Samahang Layb poetry group, Samahan ng Kabataan para sa Bayan, Kapatirang Plebeians - UPLB Curia, AnakBayan-UPLB, UPLB Cyclorama, at UPLB Zoom Out multimedia collective. Kabilang rin sa CAS Student Council (2006); nagsulat para sa mga literary folio ng Samahang Layb, at para rin sa produksyong Tarugolette.357 ng UPLB Cyclorama. Umaarte rin paminsan-minsan. Emcee, tagapagsalita, at judge sa kung-anu-anong programa sa unibersidad. Tagapagtatag rin ng www.purebeef.tk. Aktibo rin sa labas ng eskwelahan. Kabilang sa Southern Tagalog Exposure bilang all-around media person. Nagsulat para sa magasing ST Exposure. Nag-voice over para sa ilang avp at radio documentary. Nakunan at na-interview na rin ang ilang sikat na personalidad gaya nina Theresa Pangilinan, Dong Abay, Rep. Crispin Beltran, Rep. Teddy Casino, Rep. Liza Masa, Former V-Pres. Teofisto Guingona, etc.

Mga pisikal ng katangian:
Taas- 5'3"
Timbang-96 lbs.
Kulay ng Mata- itim
Kulay ng Buhok- itim
Kulay ng Balat- Kayumanggi
Sukat ng Paa- 7"

Iba pang katangian:
Wika: sumusulat at nagsasalita sa Filipino, Ingles, at Kapampangan
Talento: pagguhit, pag-awit, pagsusulat
Iba pang kakayanan: may mga impormal ng kakayanan sa paggawa/pagdisenyo ng webpage, paggamit ng Adobe Photoshop sa pag-eedit at pag-eenhance ng mga larawan, paggamit ng Adobe Premiere at Image Mixer sa pag-eedit ng bidyo, paghawak ng bidyo kamera at slr, etc. , may pormal na kaalaman sa scriptwriting para sa radyo, tv, at komiks

[9 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

October 11th, 2006

KAMATIS

Posted by influenza at 02:23 PM on October 11, 2006 .

Nakita ko ang mukha mo sa kamatis na hinihiwa ko. Ang simpleng paghiwa ay naging pagtadtad sa mukhang nakikita ko. Naalala ko kung paano mo ako niloko at binigo. Sa papagitan ng kamatis na ito at ng kutsilyong hawak ko ay makagaganti na rin ako sa'yo sa wakas. Hiniwa ko ang iyong pisngi, tinapyas ang tainga't ilong, tinadtad ang iyong mukha. Ang ordinaryong sangkalan ay mapulang-mapula na ngayon, hindi dahil sa kamatis na napagdiskitahan kundi dahil sa dugong mula sa mga daliring di ko namalayan ay nasugatan ko pala. Dumating si Nanay at pinagalitan ako. Nang makita ang mga kamatis, kinuha niya ito't isinalang sa kalan. "Ang ganda ng mga kamatis na'to, ah, mapupula na, makatas pa."

Ano ang sunod na nangyari?

a) Matapos maluto ang ulam na may kahalong kamatis, naghain na ang mag-ina sa mesa. Si Nanay ang unang tumikim sa niluto niya. Agad niya itong ikinamatay. Dahil dito, kinuha ko ang kutsilyo at sinaksak ang aking sarili.

b) Ako ang unang tumikim sa nalutong pagkain. Agad ko itong ikinamatay.

c) Tinapon ko ang nalutong kamatis. Nagalit si Nanay.

d) Mula sa kwarto ay dali-dali kong kinuha ang nag-iisang larawan ng taong nagmamay-ari ng mukhang naalala ko habang hinihiwa ang kamatis. Pinag-pira-piraso ko ito at isinahog sa nakasalang na kamatis.

e) Nang tikman ang nalutong kamatis, agad na gumaling ang mga sugat ko sa kamay. Pakiramdam ko, unti-unti na ring nawawala ang galit sa taong nagmamay-ari ng mukhang nakita sa hinihiwang kamatis.

[17 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

October 14th, 2006

ORTIGAS TITI

Posted by influenza at 05:42 PM on October 14, 2006 .



titing tigas
sa pagtitig ang bus
sa hubad na bilbord
bandang ortigas.

[7 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

October 27th, 2006

LUPA, KILIKILI, AT KAUNTING BUGTONG

Posted by influenza at 07:19 AM on October 27, 2006 .



Pasmado ba ang lupa? Napapadalas ang mga pagyanig. Pakiramdam ko ay gaya ng sa cough syrup na nasa ibabaw ng kutsarang unti-unting isinusubo sa bibig ng batang maligalig - parang matatapon.


Araw-araw, naglalakad akong parang tiyani sa ibabaw ng aking kilikili, sinisipat kung pwede nang tabasin/bunutin ang pesteng balahibong hadlang sa pagsusuot ng usong blusang walang manggas.


Natikman ko ang pinakamaalat na sinigang nang di sinasadyang maluhaan ang sabaw.


May malaking pagkakahawig si Ranier Castillo kay William Martinez.


Di tao, di hayop,
lumuluha,
wala namang mata;
natutunaw,
wala namang araw.
Ano ito?

[9 comment/s]

----------------------------------------------------------------------
« 2006/09 | 2006/11 »