"STOP"
Posted by influenza at 04:51 PM on July 4, 2006 .
salamat kay irvin para sa kuha na'to.
PAANO MABUHAY SA ISANG PYUDAL NA LIPUNAN
Posted by influenza at 05:20 PM on July 26, 2006 .
Hindi porke titser kita at mas matanda ka sa akin ng halos dalawampung taon ay ikaw na ang laging tama. Wala kang karapatang husgahan ang pagkatao ko lalong-lalo na ang pagiging aktibista ko. Nilalait mo ako, sinisiraan, tinatawag na duwag, bastos, at "anong klaseng tibak?" sa harap ng kaibigan ko sa tuwing ako ay nakatalikod, sa tuwing ako ay wala, sa tuwing ako ay naroon sa mas malaking bahagi ng lipunan, sa tuwing ako ay nasa bahay lang, mula gabi hanggang madaling araw, takot na takot na baka ako na ang susunod, takot na takot na baka di na ako maaabutan ng sinag ng araw, ni sa tuktok ng alaala ng lahat nang napukaw ko. Ang kapal ng mukha mong sabihin sa mga kaibigan kong: "Let her arrest gloria if she can." Tinatawanan mo ako sa tuwing lumalabas ako sa kalsada, naiihaw sa araw o kaya'y nabababad sa ulan. Tinatawanan mo ako sa tuwing may nawawala o namamatay sa aming hanay. Ang kapal ng mukha mong tawaging "tibak" ang sarili mo at ipagmalaki ito sa lahat nang kakilala't kaibigan ko! Wala nang naniniwala sa'yo. Kaawa-awa ka. Wala kang kaibigan. Mabubuhay at mamamatay kang mag-isa. Sa susunod, sarili mo naman ang makikita mo sa entablado, pinagtatawanan at kinakantyawan ng mga estudyanteng sinulat mo.