extra help-biey | site design-kel juan | all rights reserved.

Entries for June, 2006

June 2nd, 2006

KAY MISS LETTY JIMENEZ-MAGSANOC

Posted by influenza at 01:11 AM on June 2, 2006 .

01 June 2006


Miss Letty Jimenez-Magsanoc
Editor-in-Chief
PDI


Dear Ma’am:


Warmest greetings!

I am a Writing major in UPLB graduating this year, and a member of the College of Arts and Sciences Student Council 2006-2007. I would like to inform you about the current situation of Eduardo Serrano, an eminent political detainee who used to write opinion letters to you (Some of his letters that have been published in PDI are: “The Filipino people’s greatest enemies” [Nov. 08, 2004], “Double standard of justic in the Philippines” [Jan. 17, 2005], “Judicial money talk” [Mar. 28, 2005], and “Water tax is repressive” [Apr. 14, 2005]).

From May 22 to 25, 2006, I and five others who are also UP students, were able to visit the Oriental Mindoro Provincial Jail (OMPJ) and shoot a video documentary about the political detainees, focusing on Eduardo Serrano.

Serrano and other common prisoners mentioned some major problems that they are experiencing inside the jail – food and space. For every prisoner, only P23.00/day is alloted. In effect, they are only getting one cup of rice per meal and a very small portion of boiled squash, or a half-piece of tuyo, or even a small portion of pancit that has no other ingredient but noodles! One prisoner told us that it is very seldom that they get to eat a decent meal like paksiw na bangus or adobong manok, only when they have “big time” visitors like us, UP students. According to them, what they need now is a 100% increase in food budget.

At present, there are 366 detainees in OMPJ, but there are only ten cells. In each cell with dimensions similar to a public school classroom, contains 36-37 persons. So now you could imagine how crowded each cell is.

Prisoners are also human beings. Every human has the right to decent living.

I strongly believe that these issues should be recognized and be provided proper and immediate action. But I doubt that the present government shall do something about it. I mean, how can you trust a fake president like Gloria Macapagal-Arroyo, especially that there is someone like Eduardo Serrano who had always been critical about the Government of the Republic of the Philippines (GRP) inside OMPJ.

I also found out that the AFP ordered the warden of OMPJ to prohibit Eduardo Serrano from writing and sending letters to you. According to the Article 19 of the Universal Declaration of Human Rights (UDHR), “Everyone has the right to freedom of opinion and expression; this right includes freedom to hold opinions without interference and to seek, receive and impart information and ideas through any media and regardless of frontiers.” By disallowing Serrano from writing and expressing his mind, the AFP, under its Chief-of-Command Gloria Macapagal-Arroyo, is clearly violating Serrano’s right as a human being. As said by Serrano, they (AFP elements) have not clarified why he should no longer write to PDI nor to any other publication. This clearly manifests how repressive our present government is.




[4 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

June 4th, 2006

ILOG

Posted by influenza at 11:50 PM on June 4, 2006 .

[2 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

June 5th, 2006

LABSAK-UTAK

Posted by influenza at 12:32 AM on June 5, 2006 .

Gusto kong pukpukin ang ulo ko ngayon.



Kung pwede lang ipasok ang kamay sa loob ng bibig at halukayin ang laman nito, hindi pababa, kundi pataas, doon sa lalagyan ng utak.



Kung ang utak ay gawa sa papel, anong isusulat mo rito?

Gagamit ka ba ng tinta uapang di maging permanente ang isusulat, o ng lapis para pwedeng burahin pag nagkamali?


Sana ang kamay ay direktang nakakabit sa kautak-utakan, para maisulat o mai-type agad ang bawat naisip. madalas, hindi kayang paganahin ng utak ang mga kamay na pudpod na sa kalyo.

[add a comment]

----------------------------------------------------------------------

KAUSAPIN ANG SARILI

Posted by influenza at 12:54 AM on June 5, 2006 .



Bakit kapag iba ang kausap, masaya ka, may saya, tumatawa;


'Pag mag-isa na lang para kang nayuyuping lata?


Mababasa ka ng sarili mong luha't ika'y unti-unting mangangalawang.


[1 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

WIRDONG BEINTE ANYOS

Posted by influenza at 02:21 AM on June 5, 2006 .


Hindi ko alam kung anong klaseng kabataan ako. Wala akong bisyo, hindi ako umiinom, hindi ako naninigarilyo, hindi nga halos ako gumagastos. Hindi ako nagdodroga. Kahit kailan, hindi. Ni hindi ako nag-ju-jutes. Wala akong boyfriend. Matanda na ako nung una akong nag-boyfriend, hindi na ako menor de edad nun. At higit sa lahat, virgin pa ang lola mo. Edad 20. Sa ganitong edad, ang karaniwang kabataan ay aktibo sa pakikipagtalik nang labas sa kasal (in English, pre-marital sex [in short, PMS]). Ako hindi. buong buhay ko, wala akong ginawa kundi mag-aral. Mabait na bata. Masunuring anak. Ano pa bang mahihiling sa akin ng mga magulang ko? Magtatapos na ako ngayong taon sa UP, sa 1st sem malamang, kung gugustuhin ko. Return of investment? Gusto ng mga magulang ko, magtrabaho na lang ako sa bangko o sa munisipyo malapit sa'min. Susme! Nakakabobo trabaho dun! Ayoko ng trabahong nakaupo lang. Uuwi ako sa bahay, pagagalitan ako tungkol dito. Kakain ako, pagagalitan uli ako. Matutulog, gigising, babangon, pagagalitan na naman ako. Hindi pa ako nag-aalmusal, pinagagalitan na nila ako. Return of investment? E sino ba talagang nagpapaaral sa akin. ANG BAYAN. Kaya nga Iskolar ng Bayan ang tawag sa akin, duh? Nakakainis, beinte na ako pero ang problema ko sa mga magulang ko, pang-teenager pa rin. Ayoko na tuloy umuwi sa'min sa Batangas (sa Batangas kami nakatira ngayon pero hindi kami mga taga-Batangas talaga). Dito ako ngayon sa QC. Ayoko rin bumalik sa Elbi, sa totoo lang. Ang daming dekadente at liberal dun. Baka di ko matiis, may masaksak ako.

[2 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

BUNSONG BABAE, NAG-IISANG BABAENG KAPATID

Posted by influenza at 02:36 AM on June 5, 2006 .


Panaganay ako sa 4 na babaeng magkakapatid. Walang ate. Lalong walang kuya.



Parang alam ko na yung pakiramdam ng bunsong babae tapos may 3 kuya (sina King, Bong, at RJ). Yikes!

Tuloy, tahimik lang ako lagi. Siyeeeet! Ayoko ng ganito, pyudal!



How do I get back to my old self?

So what is my old self?

Labo!

[1 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

MAY ISA NA NAMANG PINATAY!

Posted by influenza at 03:05 AM on June 5, 2006 .




para sa ibang detalye, i-click ito.

[4 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

June 18th, 2006

MGA KUTO AT MILITAR

Posted by influenza at 04:08 PM on June 18, 2006 .



Naninigas at namamanhid na ang mga daliri ko sa pagkapa ng mga lisa at kutong (kung meron, puro lisa pa lang kasi ang nakukuha ko) may ilang araw nang nakatira sa aking anit. Humaharap ako sa salamin para makita ko sila. Kahapon, may napansin akong mga lisang nagduduyan sa aking buhok. Di ako nakapagpigil. Pinaulanan ko ng baby oilang buhok ko. Inanod ang mga lintyak na lisa. Ang tanda-tanda ko na, nagkakalisa pa ako. Pinoproblema ko tuloy ngayon, problemang pambata. Sabagay, naisip ko, ginagatungan ng pangangalaykay ng mga daliri sa anit ang pagmumuni-muni ko.



Sa Quezon province ko yata nakuha ang mga lisa na ito. Sabi sa mga libro, nakukuha ang mga parasitikong ito sa mga magugubat na lugar, at kung di maayos ang pagbanlaw sa buhok. Sa Quezon, partikular sa bayan ng Lopez, di gaanong maayos ang tubig. Naninilaw at nagkakaroon ng amoy ang tubig-balon lalo na kung kakaulan pa lamang.



Kagagaling ko lang sa Quezon nung isang linggo para sa isang misyon: tumulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga sibilyan at menor de edad na ilegal na inaresto at tinortyur, pilit pinaaming mga miyembro sila ng NPA. Pasan ang mga gamit ng mga militar, kilo-kilometro silang pinaglakada patungo sa kampo. Pagkatapos ay ginapos at pinakagat sila sa langgam. Nangyari ito matapos ang isang engkwentro sa pagitan ng mga militar at NPA. Marami pang mga naiwang pamilya sa loob. Wala silang kabuhayan ngayon. Inagaw ng mga militar ang mga alaga nilang kalabaw, baboy, kambing, at manok. Tatlong beses kami sumubok pumasok para magdala ng mga pagkain at gamot sa mga residente pero hinarang at hinarass kami ng mga militar. Nakakalungkot na hindi natin naririnig ang ganitong mga balita sa mainstream media. Akala tuloy ng iba, sa Maynila lang magulo, sa Maynila lang may protesta laban sa commander-in-chief ng mga militar na si Gloria Macapagal-Arroyo. Sa rehiyon, malakas ang protesta laban sa kanya kaya marami sa amin ang pinapatay.



Kung lisa at kuto ang mga militar, matagal ko na silang sinuyod. Kung kuto si Gloria, matagal ko na siyang tiniris.

[3 comment/s]

----------------------------------------------------------------------
« 2005/11 | 2006/07 »