SILI U!
Posted by influenza at 11:52 PM on November 22, 2005 .
Nakakainis ka
Para kang sili
Sarap mo tirisin
Pero habang lalo kang
dinidikdik
Lalong umaanghang
Ang pakikitungo
Mo sa akin.
Posted by influenza at 11:52 PM on November 22, 2005 .
Nakakainis ka
Para kang sili
Sarap mo tirisin
Pero habang lalo kang
dinidikdik
Lalong umaanghang
Ang pakikitungo
Mo sa akin.
Posted by influenza at 12:36 AM on November 23, 2005 .
Huwag tayong maging mapusok
Nang di matulad
Sa kandilang agad sinindihan
Kahit di pa kailangan
Pinabayaang mag-alab
Gayong kay liwanag
Tuloy,
mabilis naubos,
Naupos ang pisi
Natunaw ang katawan
Namatay ang apoy
Ang natira'y
Mga luhang patak ng kandila.
Naging madilim
Sa panahong kailangan ng liwanag.
Kaya pag-ibig
Ay agad nanlamig.
Posted by influenza at 12:46 AM on November 23, 2005 .
bakit ituturing na kandila
ang pagsinta?
kung magkagayo'y wala
tayong hantungan kundi
wakas -
anumang iwas!
pagkat paano pa't
sisindihan din
nang magkasaysay
at mauubos di't
mamamatay?
sa halip,
wariing bukal ang pag-ibig
banayad man
o magaspang,
ang lagaslas ay di matatapos
maliban na lamang
ang Lupa ay magunaw.
~loleng