extra help-biey | site design-kel juan | all rights reserved.

Entries for October, 2005

October 3rd, 2005

LUMBAY

Posted by influenza at 12:00 AM on October 3, 2005 .

Pakiramdam ko ay para akong natutuyong malunggay - natutuyong mag-isa sa sarili nitong sanga; sa dami ng naging bunga, isa lang ang natira, naiwan sa sanga - at ako yun. Kawawang malunggay, malapit nang mamatay.

[add a comment]

----------------------------------------------------------------------

NAGUGUTOM AKO

Posted by influenza at 12:07 AM on October 3, 2005 .

Nung isang araw pa'ko gutom, gusto kong kainin yung nasa larawan. Hindi yung paniki, kundi yung vet na nag-o-observe sa paniki. wihihihi!!!

ulam!

[13 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

ROSAS

Posted by influenza at 04:31 PM on October 3, 2005 .

kapag bagong ligo
nahahamugan
ang rosas na tato
sa kaliwang binti
ng aking tiyuhin


gaya ng kanyang tato
rosas dinsabong pampaligo


kaya mga paru-paro
dumadapo
gaya ng mga dalagang
sa kanya
ay nagpapadapo


noon iyon


ngayon,
ang rosas na tato
ay gaya niyang nalalanta't
natutuyo.

[add a comment]

----------------------------------------------------------------------

KUNG PWEDE LANG IBALIK ANG PANAHON

Posted by influenza at 05:12 PM on October 3, 2005 .


Binabaliktad namin
ang sapin ng kama
para magmukhang bago--
gaya ng dati,
nung una itong malabhan.

kung ang panahon
ay saping pwedeng baliktarin
ang pagkakaibigan sana'y maibabalik sa dati,
nung ang lahat ay bago pa't
di pa namamantsahan.

pero sa totoong buhay
ang panahon ay hindi naibabalik;
sa kabilang banda,
ang panahon ay saping
labhan mang nang paulit-ulit,
maluluma't maluluma rin.

[add a comment]

----------------------------------------------------------------------

MADONNA

Posted by influenza at 05:18 PM on October 3, 2005 .


Anak,
noong bata ka
kapag ika'y nasusugatan
hinhayaan mong dumaloy
ang dugo
para punasan ko ito;
Bakit ngayong ika'y dalaga na
kapag nasusugatan ka,
tinatakpan mo agad
para di ko makita?

Noong bata ka,
gusto mong nadadapa
sa yakap ko
at hindi sa lupa;
Bakit ngayong ika'y dalaga na
kapag ika'y nadadapa
tinatakpan mo ang iyong mukha
para di ko makita?

[3 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

NYETANG BUHAY KO

Posted by influenza at 09:01 PM on October 3, 2005 .

ayoko aminin pero mag-isa na naman ako.

hanggang kelan magiging ganito.

meron akong pera,

wala akong kasama.

di pa'ko kumakain leche.

[5 comment/s]

----------------------------------------------------------------------
« 2005/09 | 2005/11 »