MINSAN, SA KILIKILI LUMALABAS ANG TENSYON
Posted by influenza at 08:13 PM on May 14, 2005 .
Tinatamad ako umimik. Nakakabagot mag-"hi" o "hello", o kahit ngumiti man lang na parang aso. Tinatamad din pumindot ang hinlalaki ko sa kanang kamay sa mga ga-utong na buton ng selpon ko. Ayoko na mag-reply.
Minsan sa kilikili lumalabas ang tensyon. Pinagpawisan ako sa mga vertical at horizontal asymptotes na di ko maiguhit.
Kanina, ginurihan ko ang isang graph na sa tingin ko ay mali, at pinalitan ko ng bago. Parang sa ginawa kong ito, may isang bagay akong di sinasadyang gurihan. Katabi ko siya ngayon. Di ko mahanap sa aking alaala ang kanyang pangalan. Pero ang sabi niya sa'kin:"UY! IKAW PALA!"

