extra help-biey | site design-kel juan | all rights reserved.

Entries for April, 2005

April 1st, 2005

LOMI'T SPAGHETTI

Posted by influenza at 05:25 PM on April 1, 2005 .

Lomi't spaghetti ang sigaw ni manong sa makikipot na eskenita ng isang bayan sa Batangas. Sampu bawat order, mainit-init, bagong-luto. Masasarap ang paninda niya pero hindi ako nagugutom. Ganonpaman, may nararamdaman akong kasalatan, pero isa akong hangal, sino ako para magreklamo? Sino ako para magmaktol gayong napakarami diyan ang di nakakatikim ng lomi o spaghetti. Ni wala nga silang pambili ng mga ito! Pero paano si manong kung walang bibili ng lomi niya't spaghetti? Siya man ay kapos din.

[22 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

April 8th, 2005

SMS: 'SANG MATAMIS NA SULYAP

Posted by influenza at 04:36 PM on April 8, 2005 .

mga tingin mo'y
text
na ayaw ma-send
sa akin

o kay hirap mong hagilapin!

[12 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

April 19th, 2005

KULANG SA TULOG

Posted by influenza at 03:33 PM on April 19, 2005 .

sobra sa kain.

kulang sa pansin.

sobra sa uhaw.

kulang, kulang.

sobra, sobra.

isip--

kulang-kulang.

paghanga--

sobra-sobra,

labis-labis.

[add a comment]

----------------------------------------------------------------------

UBOS. LUBOS.

Posted by influenza at 03:45 PM on April 19, 2005 .

Kasabay ng pag-uubos ng panahon sa bagay na wala masyadong kwenta ay ang unti-unti ngunit marahas na pagkaubos ng mga mamiso sa kanang bulsa ng aking maong---parang pagkalagas ng mga dahon ng puno ng akasya, o di kaya'y unti-unting paglabo ng salaming hiningahan mo kanina.

[add a comment]

----------------------------------------------------------------------

HITHIT-BUGA

Posted by influenza at 04:01 PM on April 19, 2005 .

Sisindihan mo ako't unti-unting akong mauubos sa bawat dikit sa'yong mga labi na nagiging kakulay na ng abo dahil sa kaka-hithit-buga mo. Masisiyahan ka sa akin; ngiti ang dala ko sa iyong mga labi. Ligaya ang hatid ko sa'yo. Tensyon ay mapaparaos sa bawat hithit-buga mo. Init ng baga ko, init sa baga mo. Pero sandali lang ang lahat. Ilang minutong parang segundo lang. Hahayaan mo akong maubos at maupos. Pipitikin sa ere, hahayaang lumipad at bumagsak sa damuhang kinatatayuan ni Oble. Yun lang at paalam na sa akin. Yun lang at papalitan mo na ako. Ako'y naging iyo ngunit kailanma'y di ka naging akin. Papalitan mo rin ang ipapalit mo sa'kin. Pare-pareho lang ang tingin mo sa'min.

[10 comment/s]

----------------------------------------------------------------------
« 2005/03 | 2005/05 »