extra help-biey | site design-kel juan | all rights reserved.

Entries for January, 2005

January 3rd, 2005

BEEP BEEP BEEP BEEP!

Posted by influenza at 10:17 PM on January 3, 2005 .

Gusto mo bang makatikim ng isang tumataginting na halik mula sa isang simpleng manyak/stuntman na di lang sa pagsusulat at pagkuha ng larawan matinik, pati na rin sa pagmamaneho!

Beep beep! Ito ang lagi niyang sambit! Dahan-dahan lang...

Ingat sa pagtawid at baka nandiyan na si Kutuquoai.

Tuklasin ang kanyang mundo. Daig pa nito ang pagtuklas sa mundo ng siyensiya. Hawak niya ang kinabukasan (sa twing umiihi siya sa banyo).

photo hosting and image hosting by ImageVenue.com

Ano kaya ang tinitingnan niya sa baba? Ano kaya ang hawak niya sa baba? Natural, ang kinabukasan...

[8 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

January 4th, 2005

FISH

Posted by influenza at 11:10 PM on January 4, 2005 .

You fucking idiotic shithead
So much for love, so much for you
If you think I'm after you,
Fuck you!
A martyr's life is not my role
After what you did to me, asshole!
So if you want to find another lover,
Go ahead mother fucker!



[Hindi ako ang gumawa nito. Nakita ko lang sa notebook ng friend ko na si Iste, binigyan niya ako ng kopya at sabi niya, yung pinsan niya daw ang gumawa nito.]

[3 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

January 5th, 2005

GAY LINGO

Posted by influenza at 01:31 PM on January 5, 2005 .

Paano makipag-chikahan ang mga kafatid at ka-federasyon? Hmmm...



Musta na mga baklosh? Akich? Okay naman. Majonda pa rin! Maraming papang humahabol! Ayyyyyyyyyyyy! Tarush!

Ang daming papable sa campus! Hala! Mga chika, lalarga muna ang madir n'yo! Maghahanap ang lola ng chuva. Char! Ano na namang ka-chorvahan toh?!

[2 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

MACHO LINGO

Posted by influenza at 01:37 PM on January 5, 2005 .

Ang isang chauvinist, paano humirit?




Pare! Pa-kiss naman diyan! Hehe! Hik-hik-hik...

Wow pare lakas na ng amats ko.

Ayoko nga maglaba! Pang-babae lang yan.

Ilan shota ko? Sampu. Walo sa kanila, nabuntis ko na. Hah! Ang galing ko 'no? Astig naman talaga ako eh!

Ayokong umiyak! Hindi ako iiyak! Kahit masakit na pantog ko!!!


Waaah! Suntukan tayo!

[add a comment]

----------------------------------------------------------------------

KONYOTIK

Posted by influenza at 01:43 PM on January 5, 2005 .

Paano magsalita ang mga konyo? Ganito ba?



Hi! Huh? Grabeh, like, ummm...yeah! um...it's like...

As if!

Duh?! Whatever!

Yuck! You smell mabaho!

[4 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

LAMBINGAN

Posted by influenza at 07:15 PM on January 5, 2005 as a favorite post.

Madalang ang pagdalaw ng mga labi mong babasagin sa mga labi kong nanunuyo sa malalim na pagkauhaw. Pero ang bawat dampi ay walang singtamis, kulang na lang ay langgamin ako. Banayad ang paghipo mo sa akin gayong mahigpit ang hawak ko sa'yo. Malamig ang iyong balat kahit pinagpapawisan. Malamig ang iyong katawan pero ang ginaw na dala mo ang lalong nagpapasarap sa ating suyuan at nagpapainit sa aking katawan. Mahal kita. Mahal ka din. Ito ang naglalayo sa atin; bumibitin sa bawat pagtatagpo ng ating mga labi.

Lumalalim ang gabi ngunit bumababaw na ang aking pagkauhaw. Ganoon pa man, lumalim pa rin ang pananabik at pagkahumaling ko sa iyo. At sa paglalalim ng gabi at patuloy na pagngiti ng buwan, lumalalim din ang ang paggalugad ng iyong kaluluwa sa aking kaluluwa. Gasgas nang sabihing ako'y nasa alapaap, pero sasabihin ko pa rin. Naramdaman ko ang pagpangko mo sa balingkinitang katawan ko.

[16 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

ALZHEIMER'S DAUGHTER

Posted by influenza at 09:39 PM on January 5, 2005 .

[nakalimutan ko kung ano ba dapat ang ilalagay ko dito; mukhang di ko na maaalala pang muli ito.]

[2 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

January 6th, 2005

PHOTOGRAPHIC MEMORY

Posted by influenza at 03:14 PM on January 6, 2005 as a favorite post.

sitaw, bataw, patani.........

[20 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

CLASS CLOWN

Posted by influenza at 03:17 PM on January 6, 2005 .

doleful

[add a comment]

----------------------------------------------------------------------

January 11th, 2005

NAKATIKIM KA NA BA NG 'VIRGIN'?

Posted by influenza at 03:18 PM on January 11, 2005 as a favorite post.

AKO NAKATIKIM NA!




Kung presyo ang tatanungin, para ka lang bumili ng Pop Cola. Kung lasa ang susumahin, hmmm...masarap naman. Masarap naman talaga ang softdrink. Saan makakabili? Sa pinaka malapit na sari-sari store. Itanong mo lang: "May virgin ba dito?"

[92 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

January 16th, 2005

SINO KANG BACA KA?

Posted by influenza at 02:43 PM on January 16, 2005 .

Ikaw ba ay isang BACA student o grad sa UPLB? Ikaw ba ay mahilig magsulat at gumawa ng kalokohan? At may on-line journal ka ba? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, pwes ikaw ang hinahanap namin!

Sa kasalukuyan, may 22 bloggers nang namamahay sa PUREBEEF.TK: sina Narcisa, Apeng, Caty, Dums, Hesel, Bulitz, Jas, Enteng, Blythe, ang LAYB, sina Rula, Tin, Zhazha, Sue, Mithi, Jab, Ice, Mia, Ela, Thea, Nina, at Agui.

Kung gusto mong mapabilang sa PUREBEEF at magkaroon ng napakaraming bisita sa blog mo, mag-e-mail lang sa: sibambooatako@yahoo.com o kaya ay mag-iwan ng mensahe sa artik na ito.

[1 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

SNAPS AND SCRIBBLES

Posted by influenza at 04:39 PM on January 16, 2005 .

Sa umaga, ganito umawit ang isang puyat na nag-iilusyong maging modelo ng toothpaste:

B-E-A-M beam smile,
smile pa rin/ka rin/kami/na rin
pag beam!
Beam na beam
Ngipi'y protektado!
Panalo sa presyo, panalo,
Pag beam!

b-e-a-m beam smile!!!

Kantahin ito ng pauli-ulit hanggang masugat ang ngalangala. Sa dorm o apartment, hamunin ang mga kasama na awitin ito nang malungkot; pigilan ang pagtawa at pagbungisngis.


Sa mall glorietta, paano mo ibabalik ang kabataang nawala sa iyo o kaya ay ninakaw ng mga responsibilidad mo?


sali kami!
haaaattching!

'Pag gutom ka na, may magagawa pa ba ang mga tinuhog na sushi sa sikmura mong nagrereklamo?

yummy!!!

Pagkatapos kumain ng napakarami, ganito ang nangyayari sa tiyan ng isang babaeng puyat at gutom: tiyan na malaki pa sa boobs


Habang nasa loob ng van, makipagkulitan muna sa mga kaibigan, classmates, groupmates, blocmates, at orgmates.

jas narcisa
jave&kla
baliw sa van caty

Sa Luneta



Isa lang 'to sa mga pictures namin sa Luneta, hindi ko na ipapakita yung iba dahil mukha na kaming bangag sa mga yon. Hindi ko rin naman talaga pwedeng ipakita kasi gagamitin namin yun sa photo essay sa ENG101.

Daan-daan sa baywalk.

napakaganda!

First time naming lahat.





Pagkatapos tumambay dito oras na para umuwi.

Pero hindi don natatapos ang lahat.

Hulaan n'yo kung anong pinapanood namin.(itapat ang cursor sa image)

sariwa starring priscilla almeda

@ marges's room, tutok lahat sa porn flick na napulot sa lumang apartment

Sayang, hindi na pwedeng ipakita yung iba.

[21 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

January 23rd, 2005

SIGE, SUNTOK KA SA BUWAN, WAG SA JEEPNEY

Posted by influenza at 03:49 PM on January 23, 2005 .

A lot of thanks to the UP Sigma Alpha Sorority for bringing 6 Cycle Mind, Sponge Cola, and Session Road to the grounds of UP Los Banos! These bands made the night of January 21 awesome even tough I felt 8 years older because the crowd was so young---my friends and I were sandwiched between a bunch of screaming high school dudes and a cluster of elementary kids. But that was okay because we were right in front of the stage. There were only two things that irritated me: first was the high school gay who perspired like a buffalo---kadiri siya ang lagkit nya---and second, the sticky sweat coming from the underarms of the high school dudes behind me. Urgh!

6 Cycle Mind was the best performer on stage. They were very charismatic. They never failed to please the audience. And they also have a very good looking guitarist! Yummy! I didn't get his name but I was able to get a lot of pictures, really good pictures! Here are some of them:




Sponge Cola played their latest songs---lunes, klsp, and jeepney---and other songs too. They were a little bit disappointing, I don't know if they were too shy for the cam or if they were just being reserved (patay-malisya). They were good, nonetheless.




Hannah, Session Road's vocalist/guitarist, seemed to never run out of reasons to smile. She was very nice, she approached the crowd many times to greet them and sign their cd's. Her bandmates were very cool, I love their locks. They were also good on stage.







----------------------------

[21 comment/s]

----------------------------------------------------------------------

January 29th, 2005

KAKA, HINDI PA'KO INAANTOK

Posted by influenza at 02:35 AM on January 29, 2005 .

Hindi ko kailangan ng kape. HIndi ko kailangan ng extra joss. Hindi ko kailangan ng gong. Hindi ko kailangan ng pompyang. Hindi ko kailangan ng kahit ano para magising dahil hindi pa'ko inaantok. Isa pa, nakaka-nerbyos lamang ang kape. At kung sasabayan ko ito ng gatas, baka lalo lang lumakas ang nerbiyos ko (dahil ang gatas ay kilala bilang pampalakas).

Bukas pa ang gotohan sa Raymundo, hindi naman yata talaga nagsasara yun, kahit alas-tres ng madaling-araw. Gutom na'ko't mabuti pa'y makalabas na sa lecheng computer shop na 'to para kumain.

"Manang, goto po, with egg." Sana bilisan niya, baka lamunin na ng sikmura ko ang sarili kong tuwalya. Ayokong mangyari yun; ako ang dapat na kumakain ng tuwalya (ng baboy).

"Balot?"

"Ah, manang, goto po ang bibilhin ko, hindi po balut." Ang weird ni Manang.

"Oo nga. Balot?" Ang tigas ng ulo ni Manang, ah. Sinabi nang ayoko ng balut, ang gusto ko ay goto with egg, yung may kasamang soup---soupdrinks!

"Manang, goto po, hindi po balut."

"Oo nga." Aba't parang saken pa ata nakulitan yung matanda! "Tinatanong ko kung ibabalot o dito mo kakainin? Balot?"

Susme! Yun pala ang gusto n'yang sabihin. Muntik nang umunat bulbol ko!

"Manang, dito ko po kakainin, wag n'yo po lalagyan ng buhok yung goto ko. Hihi." Si manang naman, parang di ako gabi-gabi kumakain sa kanya ah.

[19 comment/s]

----------------------------------------------------------------------