Posted by influenza at 05:57 PM on December 2, 2004 as a favorite post.
Kumakain ka ba ng aso? Nakakain/nakatikim ka na ba ng aso?
Mahilig kumain ng aso si Narcisa. Sa kanyang paniniwala, nagbibigay ito ng kakaibang init na higit pa sa maaari mong makuha sa pagnguya ng sili o pag-inom ng dugo ng ahas. Kahit nung nabubuhay pa siya madalas na siyang kumain ng karne ng aso. Adobong aso. Kalderetang aso. Sinigang. Nilaga.
Si Kitty, ang asong alaga ni Bb. Oslek ang unang nabiktima ng mga panlasa ni Narcisa. Isang gabi, pagkagaling sa isang paglalakbay na singhaba ng tren pero di sing-bilis nito, lumiko si Narcisa sa Kanto Tinio patungo sa tahanan ni Boyet, kung saan kapitbahay niya si Bb. Oslek. Di pa man nakakarating sa rehas na gate ay naramdaman na niyang may isang di kanais-nais na pangyayari sa isang sulok ng Kanto Tinio. Nadatnan niyang nilalapa ni Kitty ang kaliwang hita ni Boyet. Si Narcisa ay nagmadali, na para bang kay liwanag gayong kaydilim naman. Binubulag siya ng gabi pero ginigising ng isang matinding pangangailangan ang kanyang kamalayan. Kidlat siyang humagip ng ano mang bagay na mahaba, maaaring sanga ng punong mangga o kakwate, o bakal, o yantok, hindi siya sigurado. Pumalo sa hangin sunod ay kay Kitty ang sanga, bakal, o yantok na kanyang dinakma. Sa isang bigwas ay nawalan ng malay si Kitty.
Posted by influenza at 04:50 PM on December 6, 2004 as a favorite post.
!-->!-->
Sila sina Boyet at Empoy. Subukan mong itapat ang cursor sa larawan sa itaas at piliting tuklasin ang kababalaghang nakabalot sa mga personalidad ng mga tauhang ito.
Posted by influenza at 12:47 PM on December 13, 2004 .
Napakaganda ng bagong mukha ng Moonstar 88. Para siyang diyosa. Natitibo ako sa kanya. Last week, nag-perform sila dito sa UPLB, sa Baker Hall.
Magkakaron daw sila ng bagong album next year. Wala pang title. Abangan na lang natin!
Hindi ko nakuha yung name ng bagong vocalist ng Moonstar 88. Sayang. Pero di bale. Okay lang. Pagpiyestahan muna natin tong mga pictures na kuha ko mismo=)
Posted by influenza at 03:22 PM on December 16, 2004 .
Short story na pinasa ko sa ENG 101 - Prose
Matapos gamitin ang maliit na salamin ay isinilid niya itosa kanyang handbag at
kinuha ni Narcisa ang cell phone mula sa kaliwang bulsa ng kanyang maong na pantalon at binuksan ang built-in calendar nito. Binasa niya ang nilalaman nito:
September 17, 2034. Happy Birthday. Forty-eight ka na. Oras na para bumalik sa Elbi.
Umuulit-ulit ang mga katagang ito sa kanyang isip habang dinadaan-daanan ng malambing na hangin ng Los Banos ang kaliwang pisngi niya, at kumakaway-kaway ang mahaba niyang buhok, gaya ng pagkaway ng mga sanga ng mga punong nadadaanan ng jeep na sinasakyan niya. Napansin niyang lalong dumami ang mga puno sa Elbi. Ang mga dahon ay lalong lumago at kumapal, di gaya ng kanyang buhok na unti-unting numinipis, isang tanda na malapit na siyang yumakap sa edad medya ng kanyang buhay.
Matagal din siyang hindi bumalik sa Elbi. Halos tatlumpung taon. Maraming beses siyang nagtangkang sumakay ng bus papauntang Sta. Cruz, bumaba sa Calamba, at mula doon ay sumakay ng jeep deretso sa Elbi. Pero hindi niya ito ginawa. Hindi siya tumuloy. Hindi siya handa.
Pero ngayon, matapos ang napakahabang panahon , kung kailan siya ay tila nauubusan na ng dugong palalabasin sa kanyang puki, narito siya ngayo’t nakasakay ng jeep papunta sa Los Banos. Malapit na, naisip niya.
“Mama, para po sa tabi.” Pumara ang isang iskolar ng bayan sa tapat ng isang Papu’s, na dati’y KFC. Dahan-dahang nag-menor ang jeep. Bumaba na rin siya doon. Mula doon ay gusto niyang maglakad papunta sa gusali ng Humanities.
Malapot na berde pa rin ang kulay ng pond sa Carabao Park. At hindi mo pa rin makikitang nag-aasawahan ang mga palaka sa hapon. Sa gabi lang ako nakakakita ng mahaharot na palaka. Napangiti siya sa nasip. Nagpatuloy siya sa paglalakad, kasabay ng ibang mga tao – mga estudyante na marahil ay galing sa kanilang mga klase, ang matandang tindera ng mangga, at mga batang babae at lalaki na nag-aalok ng sampagita sa mga nagdaraan , kapalit ng sampung piso.
Nakatuwaan niyang sipain ang mga betel nut na nagsilaglag sa kalsada. Ang mga palmera ay parang isang inang masipag manganak. At pagkatapos mahinog ng mga betel nut sa puno ay hahayaan na lamang malaglag ang mga ito sa malamig sementong tinatapakan ng mga tao, palaka, aso, at pusa.
Lubhang napakarami ng mga puno ngayon sa Elbi kumpara noong labing-walong taong gulang pa lamang siya at nag-aaral dito. Hindi niya kilala ang mga punong ito. Puno ng narra, yakal, o molave marahil. Hindi siya sigurado. Hindi naman kasi siya interesado sa pangalan ng mga punong ito. Isa ang sigurado. Lalo nitong pinagmukhang gubat ang Elbi, masukal. Pero naging mapanganib kaya ito para sa kanya? Hindi. Kilala niya ang lugar na ito, limang taon din siyang nag-aral at nagliwaliw (paminsan-minsan) dito (extended siya ng isang taon sa pag-aaral). Ganoon niya kakilala ang lugar na ito, gaya ng pagkakakilala niya sa isang lalaking dahilan ng pagbabalik niya rito.
Alam niyang laos nang maituturing ang yosi break sa Hum Steps ngayon. Betel nut ang uso sa mga kabataan. Mas matipid kasi. Mapupulot mo nga lang naman ito kung saan-saang kalye sa Elbi – sa Kanluran man, Silangan, sa o sa Lansones Drive. Kapag gutom ka mag-betel nut ka na lang. Pamamanhidin lamang nito ang iyong panlasa. Hindi mo na kailangang kumain kasi wala ka rin namang malalasahan.
Medyo malayo pa ang lalakarin niya, mga tatlumpung hakbang at sampung buntung-hininga marahil. Nagdesisyon siyang huminto sandali. Mula sa kanyang kinatatayuan ay natatanaw na niya ang lumang gusali sa likod ni Oble, lalo na ang mga hagdang tinatambayan niya dati para manigarilyo. Ang gusali ng Humanities ay nagmistulang isang malaking bato na hugis kwadrado, nabalutan ng lumot at kalawang, at sari-saring bandalismo.
Ang hapong iyon ay halos walang pinagkaiba sa isang September 17 noon. Magkatabi sila ni John sa isa sa mga baitang ng Hum Steps. Kakatapos pa lamang nila magyosi.
“John may sasabihin ako sa’yo.”
Mula sa likod ni Oble ay binaling ni John ang kanyang tingin sa isang babaeng matagal na niyang kakilala at tatlong buwan na niyang nililigawan.
Naaninag ni Narcisa ang kanyang sarili sa mga mata ni John na mas nagsasabi kaysa nagtatanong, “Kailan mo kaya ako sasagutin?”
Hindi umimik si Narcisa, sa halip ay kinuha niya ang kanang kamay nito, pinagsalikop sa kaliwa niyang kamay at pinisil. Sa lalo nilang pagkakalapit, isinandal niya ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan sa kanang bahagi ni John at ginawang unan ang balikat nito.
Minarkahan ni John ang araw na ito sa kanyang isip. Alam niyang nasagot na ang kanyang tanong. Hindi na nila kailangang umimik pa. Ilang minuto din sila saganoong posisyon, pero bago tuluyang dumilim ang pulang langit, hinanap ni Narcisa ang mga tingin ni John at tumitig sa mga mata ng kasintahan upang tingnan ang kanyang repleksyon mula rito. Tumayo sila at hawak kamay na naglakad palayo sa Humanities patungo sa grove.
“Nagugutom na’ko.”
Si John, “Kain tayo,” habang nakangiti sa babaeng matagal na niyang kakilala, at ngayon ay kasintahan na niya. “Doon tayo sa paborito mo.”
“Sa Papu’s.”
Biglang humihip nang may kalakasan ang hangin sa likuran nilang dalawa. Nagsayawan ang mga dahon ng palmera. May pagka-agresibo ang hangin. Bumigay ang isang palapa ng pinakabatang palmera. Lumagapak na lamang ang ang ang isang buong palapa sa semento. Hindi na ito napansin nina Narcisa at John sapagkat medyo malayo na din ang nalalakad nila.
Unti-unti nang nakukulayan ng pula ang kalangitan. Ang daan ni Narcisa ay pasalungat sa mga nagdadaang estudyante na mukhang kakagaling lamang sa kanilang mga klase, bagamat may mangilan-ngilang piniling tumambay na lang muna at ngumuya ng betel nut.
Labinlimang hakbang. Sampung hakbang. Limang hakbang. Humihip ang hanging dala ng panahon. Isang pamilyar na pigura ang naaninag niya. Isang lalaking nakaupo sa isa sa mga baitang ng Humanities. Dalawang hakbang. Napatingin siya sa lalaki’t napatingin din ito sa kanya. John. May ilang segundo siyang nakatitig lamang sa lalaki sa kanyang harapan. Isa’t kalahating hakbang na lamang ang layo nila sa isa’t isa. Wala kang ipinagbago John. Walang bakas ng katandaan sa iyong mga mukha.
Nagtatakang napatingin na lamang ang lalaki. “Ummm, ano po yun? May kailangan po ba kayo?” Napatayo ang lalaki.
Bago tuluyang dumilim ang mapulang langit ay pilit na inaninag ni Narcisa ang mga mata ni John. Hindi niya nakita ang kanyang hinahanap sa mga mata nito. Hindi. Hindi ikaw si John. Sigurado siya doon. Pero bakit malaki ang pagkakahawig ng lalaking ito sa kanyang dating kasintahan?
“’Tay!” May tinawag ang binata mula sa kanyang likuran. Kinawayan ito ng binata, matapos ay bumaba ito mula sa mga baitang at lumapit dito. Lumingon si Narcisa sa kanyang likuran at isang lalaki na may edad na rin ang nakita niya. Tama ang kutob ni Narcisa. Ang binata ay anak ng lalaking kaharap niya ngayon, naging kasintahan niya noon.
Napatingin ang may edad na lalaki sa kanya at nakilala siya nito, ”Narcisa.” Kitang-kita ang paghanga nito sa kagandahan ni Narcisa na tila hindi pinakupas ng panahon. Pagtataka ang pumaimbabaw sa mukha ng binatang napagkamalan niyang si John nung una.
“John."
Lumapit si Narcisa dito at inaninag ang mga mata nito. Tumitig siya sa mga mata nito na para bang may hinahanap. Nakita niya ang kanyang repleksyon sa mga mata ni John na markado pa rin ng paghanga at pagsuyo. Nakita niya ang kanyang sarili tatlumpung taon na ang nakakaraan.
Posted by influenza at 12:36 AM on December 18, 2004 .
Sabi ng friend ko na si Caty, ang Oblation Run na ginaganap isang beses bawat taon, tuwing Disyembre 16, ay isang paraan para maipakita ang pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga babae't lalaki. Karaniwan, ang mga babae ang nagiging paksa ng pagnanasa at eksploytasyon, pero kapag may Oblation Run, bumabaliktad ang sitwasyon. Masarap din naman talaga pagpantasyahan ang mga lalaki.
Maraming neophytes ang Alpha Phi Omega ngayong taon sa UP Los Banos. Iba-iba sila, may malaki, may maliit, may mataba, may payat, may nahihiya, at may naghihimagsik at naghuhumindig. Talaga naman!
Maraming nag-enjoy, lalo na ang mga kaibigan at kakilala kong bading at babaeng bading. Syempre pati ako nag-enjoy din! Hehe!
Kagaya ng nakikita n'yo sa mga larawan, ulo lamang nila ang may takip, yung isang ulo wala. May social relevance naman ang ginawa nila: they were fighting against the commercialization of education.
Nung oras na para magbigayan ng roses sa mga babae, nagtatatakbo ako palayo sa kanila. Ewan ko, natakot ako bigla. Okay lang makakita ng ganon, 'wag lang gano'n kalapit, hindi kaya ng power ko.
Yung isa sa kanila, napaka-romantic. Nilapitan n'ya yung girlfriend n'ya, binigyan n'ya ng roses tapos tinanggal n'ya yung takip n'ya sa mukha at hinalikan ito sa pisngi. Grabe! Kaka-inggit. =)
Posted by influenza at 10:53 PM on December 25, 2004 .
Finally, I have decided.
I was wrong when I thought that the battle between the left and right hemispheres of my brain would not end. It took me three days and three pre-paid internet cards to decide what to do with my template. I realized creativity can sometimes make things harder. My left brain, the creative, and probably the more dominant one, would always produce a lot of exciting ideas that my left brain, the logical one, could not accommodate sometimes. Sometimes my left brain would not agree with what my right brain wants. But most of the time, the creative brain would insist and go for what it really likes to do. For three days my id and superego were on a battle field, and my ego, was not there to serve as the mediator.
But now, everything's fine. I do not know how it happened. Finally, my brains met at the same wavelength.